Takipsilim
Magandang araw sa lahat ng mga mambabasa! Naririto ako ngayon upang ibahagi ang aking blog na pinamagatang "Takipsilim" na ang layunin ay makapagbigay aral at inspirasyon. Sana'y makapulot kayo ng aral mula rito!
Naniniwala ba kayo na nangyayari ang isang bagay dahil ito'y may rason?
Oo, diba?
Bakit nga ba lumulubog ang araw? Bakit kaya may takipsilim? Ano kaya ang rason nito?
Maaring upang magbigay ng pagkakataon sa buwan na magbigay liwanag sa kadiliman.
Subalit, naisip nyo rin ba na lumulubog ang araw sapagkat ito'y repleksyon ng pag-asa? Ngayon lulubog ito ngunit pagkatapos ng mahabang gabi lilitaw muli ito upang magbigay ng liwanag. Ito'y siklo araw-araw. Alam nyo kung bakit?
Sapagkat ang pag-asa ay hindi natitigil, hindi ito tumitigil sa mga taong naniniwala na may pag-asa pa.
Alam kung minsan naiisip nyo na wala ng pag asa, na dito na magtatapos ang lahat subalit dyan tayo nagkakamali. Ang pag-asa ay nariyan lang, hindi ito nawawala o mawawala. Basta maniwala ka na, maniwala ka na sa bawat maglubog ng araw, lilitaw ito dala ang bagong liwanag at pag-asa.
"Saan naguumpisa ang pagkakaroon ng pag-asa?"
Sabi nga ng nabasa kong istorya, "Hope starts when you learn that whatever happens, it will be for the best. Whatever reason may God have, we just have to learn to accept it."
Ang pag-asa ay hindi nawawala o hindi tumitigil, maniwala ka lang at wag sumuko. Gagabayan ka ng Diyos at sasamahan sa iyong mga laban. "Hope doesn't end, it is continuous."